Celebrity Life

Mark Herras reacts to Alma Moreno's statement about Wyn Marquez

By MICHELLE CALIGAN

Nilinaw ni Mark Herras ang napapabalitang plano niyang pagpapakasal sa girlfriend na si Wyn Marquez. Tutol daw kasi ang ina ni Wyn na si Alma Moreno sa balak ng aktor.

Video from GMA News

READ: Mark Herras to Wyn Marquez: "You're the only person I want to be with"

 

Ayon sa Sa Piling Ni Nanay star, matagal pa raw bago mangyari ang kasalang iyon.

"Hindi pa naman. Marami pa kaming gustong gawin sa mga buhay namin. Dadating din kami sa tamang panahon, 'yung kasal-kasal na 'yan. And siyempre kung ano man ang gusto ng mga magulang ni Wyn, siyempre irerespeto ko," he shares during the renewal of his contract with GMA Network last September 20.

READ: Mark Herras renews contract with GMA Network

Dagdag pa niya, "If ever darating na kami sa time na 'yun, siyempre ipagpapaalam namin. Ipapaalam ko sa kanila. Hindi naman puwede na sa ibang tao pa nila malalaman."

Masaya din si Mark na tanggap at malapit siya sa pamilya ni Wyn.

"I'm happy na nakikita 'yun ni Tita Alma, na she's okay with me and she's happy. Hindi rin naman ako nagpapakita ng ibang klaseng ugali sa kanila dahil 'yun naman talaga po ako."

MORE ON MARK HERRAS:

WATCH: Mark Herras and Wyn Marquez join the #TrumpetsChallenge

Mark Herras, still a Kapuso after 13 years