Celebrity Life

GMA executives, hanga sa kababaang-loob ni Alden Richards sa kabila ng kanyang kasikatan

By CHERRY SUN

Ngayong araw, September 27, ay muling pinagtibay ni Alden Richards ang kanyang relasyon sa GMA Network matapos siyang lumagda ng panibagong kontrata para manatiling isang Kapuso. Ngunit maliban sa pinakikitang katapatan ng Pambansang Bae, isa pang katangian nito ang talagang hinahangaan ng mga GMA executives.

READ: “It’s where my heart is” – Alden Richards on staying loyal to GMA Network

Present sa contract renewal ni Alden sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President  and CFO Felipe S. Yalong, GMA Films and GWI President Annette Gozon, SVP for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable, and SAVP for Alternative Productions Gigi S. Lara.       

Maliban sa nararamdaman nilang galak sa pananatiling Kapuso ni Alden, sang-ayon silang lahat na isang mabuting ehemplo ang aktor sa ipinapakita nitong pagpapakumbaba.

Pahayag ni Atty. Gozon sa panayam ni Nelson Canlas, “Alam mo si Alden ay sa tingin ko, kung hindi siya ang pinakamagaling, isa siya sa pinakamagaling na artista ngayon, pinakapopular. Pero hindi ‘yun ang katangian niyang I am very proud of, at ‘yun ay hindi umaakyat sa ulo niya ang kanyang pagkasikat. Si Alden home-grown ‘yan eh, alam niyo namang lahat. Kung papaano siya noon, ganun pa rin siya hanggang ngayon.”

Bigay-diin din ni Mr. Duavit, “Isa siyang ehemplo ng kabataan na hindi naaapektuhan ng celebrity [status], ng pag-angat ng kanyang career, at dahil dito ay patuloy siyang nagiging magandang ehemplo sa ating mga kabataan, sa magagandang asal ng Pilipino, at dahil dyan ay we’re very proud and happy. At malayo pa ang nakikita nating mapupuntahan at mararating [ni Alden]. 

Nagpapasalamat din tayo kay Alden sa patuloy niyang pagtitiwala at makakaasa siya na nariyan tayong lahat sa likod niya.”

Nangako rin ang GMA executives na susuklian nila ang ipinapakitang katapatan ng Pambansang Bae.

Ani Mr. Yalong, “We’re happy that he continues to trust us with his career, in the same matter na we will make sure that his popularity and credibility will continue.”

“Home-grown si Alden kaya natutuwa tayo na napili pa rin niya to stay with GMA, to be with his home network, and to grow further in his home network,” sambit naman ni Ms. Rasonable. 

MORE ON ALDEN RICHARDS:

Before the phenomenon: Alden Richards as Pambansang Dimples

IN PHOTOS: Alden Richards, before his superstardom