Celebrity Life

Aiai Delas Alas, may mensahe sa ating airport authority

By BEA RODRIGUEZ

 

Touchdown, Manila!

Imbes na masaya ang homecoming ni Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas mula sa kanyang show sa Korea, nadismaya ang aktres nang tumuntong siya ng Ninoy Aquino International Airport.

LOOK: Aiai Delas Alas, anak na si Sancho at Kris Lawrence, nagpasaya sa Korea! 

Napansin ng Kapuso star na halos mawawalan na ng ilaw ang pangalan ng airport kaya nanawagan siya sa mga awtoridad, “Mga sir na namamahala sa airport, palitan [niyo] naman ‘yung ilaw [kasi] malabo [na] ‘yung ‘M’ [ng] ‘Mabuhay’.”

 

Nabahala rin ang beteranang aktres dahil dito gaganapin ang Miss Universe 2017 pageant, “Pag-landing pa lang, [baka] sasabihin nila [na] ‘Ay, ano ‘to, [walang ilaw].”

Marami ang sumang-ayon sa Comedy Queen at umaasa siyang maririnig ng airport authority ang kanyang hiling para sa ikakabuti ng bansa, “Nag-wish ako [na] dumating ang araw na gumanda din ang airport [natin].” 

 

 

MORE ON AIAI DELAS ALAS:

IN PHOTOS: ‘Ai meets Lani, Lani may Ai?’ back-to-back concert 

Aiai Delas Alas tackles social issue in new indie film