Celebrity Life

EXCLUSIVE: Derrick Monasterio ramdam ba ang pressure na maka-trabaho si Michael V sa 'Tsuperhero?'

By AEDRIANNE ACAR & FELIX ILAYA

Maraming mga Kapuso televiewers ang nag-aabang sa bagong show na pagbibidahan ng dalawa sa pinaka-sikat na Kapuso stars na sina Derrick Monasterio at Bea Binene.

Ang DerBea ang napili ng Kapuso Network na bumida sa bagong superhero/ comedy program na Tsuperhero na malapit nang mapanood.

Dito makakasama nila Bea at Derrick ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa showbiz tulad nila Michael V, Gabby Concepcion at Alma Moreno.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Derrick, sinabi nito na ramdam niya ang pressure na makakasama niya sa isang project ang tulad ni Michael V.

Ani Derrick, “Nakaka-pressure siyempre baka masapawan [laughs] pero ‘yun sila naman ‘yung tipong tao na tutulungan kang galingan, mag-stand out. Nakaka-pressure na excited.”

Tinanong din ng GMANetwork.com kung ano ang pakiramdam niya na nagawa niyang maka-trabaho ang dalawa sa pinakamalalaking pangalan sa comedy sa Pilipinas.

Matatandaan na dating nakasama ni Derrick si Bossing Vic Sotto sa show na ‘Vampire Ang Daddy Ko’ at ngayon naman si Bitoy.

Saad ng binata, “Masaya kasi marami kaming matutunan sa kanila and siyempre mas veteran sila sa akin, so iga-guide rin nila ako.”

Nagkuwento rin si Derrick kung ano ang pagkakaiba ng Tsuperhero sa ibang comedy program na dapat abangan ng mga televiewers.

“Iba siya kasi unang-una comedy siya na action so maraming fight scenes, tapos kami [ni Bea Binene] ‘yung magdadala ng show so may pressure sa aming dalawa.”

More on TSUPERHERO:

Derrick Monasterio at Bea Binene, bibida sa 'Tsuperhero' 

Bagong Pinoy superhero na si ‘Tsuperhero,’ makikilala na! 

'Tsuperhero' star Derrick Monasterio may kilig post para sa ka-love team na si Bea Binene