Celebrity Life

WATCH: Derrick Monasterio, namasada ng jeep; Bea Binene, naging barker!

By BEA RODRIGUEZ

 

Totohanan na naging jeepney driver si "Tsuperhero" Derrick Monasterio sa Manila kasama ang kanyang makakatambal sa serye na si Kapuso teen star Bea Binene na naging isa namang barker.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, isang immersion daw ito para sa kanilang bagong pagbibidahang weekly comedy-fantasy show, ang Tsuperhero.

Kahit may mga oras na tumitirik ang pinapasadang dyip ni Derrick, ayon sa aktor, “Hindi naman siya ganun kahirap, sakto lang.”

Walang halong arte naman ang kanyang ka-love team, “Okay na ngayon kasi hindi na ganun kainit eh,” ani Bea.

Hindi na pala ito ang unang beses na napasabak ang Kapuso stars sa ganitong activity dahil pangalawa na raw itong pagkakataon bilang paghahanda sa bago nilang show.

Dagdag ni Bea, “’Yung una, nakita namin sila Kuya barker, kaya tinanong namin kung every kailan sila dun [at] kung paano nila pino-pronounce ang [mga] lugar.”

 

Nagbigay naman ng pahapyaw si Derrick sa kanyang character na gagampanan, “Noong highschool, medyo magaslaw po ako kumilos talaga so ire-rekindle ko lang siya.”

Excited na rin siyang isuot ang kanyang Tsuperhero suit, “Final layout ng costume ko mamaya [at] ilalabas na mamaya, so isusukat ko na siya.”

 

Video from GMA News

MORE ON TSUPERHERO:

EXCLUSIVE: Derrick Monasterio, ramdam ba ang pressure na makatrabaho si Michael V sa ‘Tsuperhero?’ 

‘Tsuperhero’ star Derrick Monasterio, may kilig post para s aka-love team na si Bea Binene