Celebrity Life

WATCH: Aljur Abrenica, nag-sorry sa GMA Network!

By BEA RODRIGUEZ

“Whatever happened before, I apologize.”

Sa wakas, natuldukan na ang issue sa pagitan ng GMA Network at ng Kapuso star nito na si Aljur Abrenica. Nagpaumanhin ang aktor sa kanyang panayam sa pocket press conference ng kanyang pagbibidahang show na Usapang Real Love Presents “Relationship Goals” kahapon (November 17).

EXCLUSIVE: Aljur Abrenica dedicates his song “Mahal Pa Rin Kita” to the Kapuso network 

Matatandaang nag-file ng kaso noong 2014 ang binata kontra sa network para i-release siya sa kanyang management contract. 

Nagbalik telebisyon ang hunk actor sa pamamagitan ng romantic-drama anthology na Dangwa na kanyang pinagbidahan kasama ang Kapuso leading lady na si Janine Gutierrez. Nasundan pa ang kanilang tambalan ng hit Primetime series na Once Again ngayong taon at ng interactive romantic-comedy series na eere na ngayong November 27 (Sunday).

“Thankful ako sa GMA Network sa binibigay nilang projects sa akin. Ngayon, I’m excited sa offer sa akin ng GMA next year sa network contract [ko], and looking forward ako na makatrabaho pa ‘yung iba’t ibang artista dito,” saad ng 27-year-old actor.

Kahit hindi pa niya alam anong mga proyekto ang mga nakapila sa kanya sa susunod na taon, labis pa rin ang kanyang pasasalamat sa panibagong yugto ng kanyang relasyon sa Kapuso network.

Nagpatawaran na raw sila ng management and, finally, all is well. Ika niya, “Everything is settled.”

Panoorin ang kabuuang report ng 24 Oras.

Video from GMA News