Celebrity Life

READ: Vic Sotto to MMFF officials: 'Sana nirespeto nila ang panlasa ng Pinoy'

By LORIE RAMIREZ

Halos isang linggong hinintay ang reaksyon ni Vic ‘Bossing’ Sotto, ang beteranong komedyante na halos taon-taon ay nakakasama ang pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Katunayan, ang kanyang pelikulang “Enteng Kabisote” ay nasa ika-10 sequel na ngayong taon.

“Ang masakit lang para sa akin hindi nila nirespeto ang panlasang 'yun ng manonood ng pelikulang Pilipino.” Ang seryosong pahayag ni Bossing sa press conference ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

“Nirerespeto ko 'yung mga pelikulang kasama sa festival ngayon gaya ng Ang Babae sa Septic Tank 2. Ako napanood ko ‘yung first noon…Pero sana man lang nagsama sila ng puwedeng panoorin ng bata,” ang pagpapatuloy ng isa sa mga haligi ng pelikulang Pilipino.
 

 

Maraming umasa na masasama sa MMFF ngayong taon ang Enteng Kabisote ngunit katulad ng mga suking pelikula tuwing Pasko, nagulat ang lahat ng inilabas ang opisyal na listahan ng film entries na halos puro indie films ang kasali.

LIST: 4 na inaabangang pelikula na hindi nakapasok sa MMFF 2016

Nanuna nang nagreact ang Regal Films Matriarch na si Mother Lily sa desisyong ito ng MMFF committee na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens, kabilang na ang director na si Erik Matti.

READ: Direk Erik Matti, ipinagtanggol ang indie films

Ngunit true to his nature, idinaan sa biro ni Bossing ang kanyang saloobin. “Gusto ko sanang sabihin sa mga bata na panoorin nyo yung Die Beautiful,  pero si Paolo [Ballesteros] mismo ang umaawat,” ang natatawa niyang pahayag.

“'Yan ay personal kong pakiramdam, nandyan na 'yan. Sabi nga nila ang kanilang desisyon ay final and unanimous. Pero sana lang nirespeto ng committee’ yung panlasa ng pinoy.”

Sa huli, isang makahulugan at madamdaming pahayag ang kanyang binitawan.

“Wag mo isubo sa amin 'yung hindi namin gustong kainin pag dating ng Noche Buena. “

 

MORE ON ENTENG KABISOTE:

WATCH: Full trailer of 'Enteng Kabisote 10 and the Abangers'

Alden Richards and Maine Mendoza shoot 'Enteng Kabisote 10' in Bohol

WATCH: Cast ng 'Enteng Kabisote 10,' kinilig sa kissing scene nina Bossing at Poleng