Ate Gay, malaki ang pasasalamat kay Marian Rivera matapos tulungan si Boobay
Kamakailan lang ay isinugod sa ospital ang komedyanteng si Boobay matapos ma-stroke ngunit balita ng kaniyang kinakasama na si Kent Juan Resquir, unti-unti na daw bumubuti ang pakiramdam nito.
READ: Boobay, nagpapagaling sa ospital matapos ma-stroke
Isa sa mga matatalik na kaibigan ni Boobay na si Ate Gay ay nagtungo sa Instagram upang maipaabot ang pasasalamat sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa ginawa niyang tulong.
Ani ng komedyante sa kaniyang post, "'Di ako nagkamali ng pakiramdam, mabuting tao si Marian. Salamat sa pagsagip kay Boobay, ha. Mamahalin ko kayo habang ako'y nabubuhay. Salamat, salamat, salamat."
Matatandaan na unang nagsama si Boobay at Marian sa Extra Challenge Extreme noong taong 2012 nang kunin silang host para sa show na ito. Mula dito ay naging close friends na ang dalawa.
MORE ON MARIAN RIVERA:
READ: Marian Rivera, sinagot ang isang netizen na tutol sa breastfeeding in public
LOOK: Baby Zia is now on birthday celebration number three
Dingdong Dantes, proud sa bagong achievement ni Marian Rivera