Celebrity Life

Rhian Ramos, inaming naging makatotohanan ang kanyang pagganap sa pelikulang 'Saving Sally'

By ANN CHARMAINE AQUINO

 

Sa ginanap na press conference ng Saving Sally, nagkaroon ng pagkakataon si Rhian Ramos na balikan ang kanyang naging pagganap bilang Sally noong 19 years old pa lamang siya.

Ang Saving Sally ay inabot ng halos isang dekada bago magawa ang pelikula. Dahil rito, tinanong ng miyembro ng press kung ano ang naramdaman ni Rhian pagkatapos niyang makita ang kanyang performance sa MMFF 2016 entry.

Pagsisimula ni Rhian, "Parang I can say na parang kung gagawin ko siya ngayon, talagang marami akong babaguhin sa attack ko. I'm going to be completely different because I'm going to base it on all my experiences now."

READ: Rhian Ramos appeals to moviegoers to watch 'Saving Sally' 

Para kay Rhian naging makatotohanan ang kanyang pagganap noong 19 years old pa lamang siya. 

"I feel like this is really truthful to where I was at that time."

Hindi naman napigilan ni Rhian na magbiro na mas mabuting 19 years old siya nang ginawa niya ang pelikula. Aniya, "It's a good thing that we have a 19 year old playing 16 versus a 26 year old playing a 16 that's awful."

MORE ON RHIAN RAMOS:

Rhian Ramos, nominated as Best Actress in the FAMAS Awards

Rhian Ramos, lalaban sa angels ng Victoria's Secret fashion show?

LOOK: Rhian Ramos reunites with ex-beau KC Montero