Celebrity Life

WATCH: Alden Richards, hiling na makamit ng kanyang second album ang tagumpay ng 'Wish I May'

By CHERRY SUN

Matapos ang kanyang malaking panalo sa Awit Awards, nais daw ni Alden Richards na maabot din ng kanyang ikalawang album sa GMA Records na ‘Say It Again’ ang naging tagumpay ng kanyang album na ‘Wish I May.’ 

Tatlong parangal ang iginawad sa Pambansang Bae sa 29th Awit Awards na naganap nitong Miyerkules, December 7. Kinilala si Alden bilang Most Downloaded Artist for 2015. Most Downloaded Song for 2015 naman ang kanyang single na ‘Wish I May,’ at Best-Selling Album of the Year ang kanyang album na may parehong pangalan. 

READ: Alden Richards, big winner sa 29th Awit Awards

Wika ni Alden sa panayam ng 24 Oras, “Sa lahat po ng sumuporta sa Wish I May album, maraming maraming salamat po. Hindi naman po natin maa-achieve ang lahat ng ito, kung hindi dahil sa suporta nila kaya thank you so much!”

Excited na daw si Alden para sa kanyang susunod album. Aniya, nakatakda siyang mag-shoot ng music video para sa kanyang bagong single bago matapos ang taon. 

Bahagi niya, “A new song but it’s also a revival. It’s originally from Red Jumpsuit Apparatus. Ever since kasi noong bata ako, gustong gusto ko na ‘yung kantang ‘yun eh. As soon as possible po, before Christmas [sana ma-release na].”

Sa parehong ulat, ibinahagi rin ni Alden na makakasama niya si Maine Mendoza sa GMA Christmas Special na ‘The Magic of Christmas.’ Dagdag niya, kaabang-abang daw ang holiday offering ng Kapuso network kaya dapat tutukan ito ngayong darating na December 18.

Sambit niya, “Surprise, pero kikiligin na naman po sila sa mga pangyayari during the Christmas special.”

 

Video from GMA News

MORE ON ALDEN RICHARDS:

LOOK: AlDub dominates Twitter Philippines 'Biggest Moments in 2016'

IN PHOTOS: Alden Richards, before his superstardom

MUST-READ: The best answers from Alden Richards's Asian TV Awards Twitter Q&A