Celebrity Life

WATCH: Dingdong Dantes, very proud sa bawat chapter ng paglaki ni Baby Zia

By CHERRY SUN

Ibinida at talagang ipinagmalaki ni Dingdong Dantes ang kanyang unica hija na si Baby Maria Letizia nang makapanayam siya ng 24 Oras.

Nag-celebrate ang pamilya Dantes sa Bali, Indonesia para sa kanilang second wedding anniversary. Mapapansing larawan talaga sila ng isang happy family.

Kuwento ni Dingdong tungkol sa kanyang mag-ina, “They really look good together. Kaya nga, kapag napi-picture-an ko sila eh sobrang gandang-ganda ako. Kapag nakikita ko silang terno, parang like mother, like daughter talaga. And bukod sa pagiging fashionista, ang magandang manahin ay ang pagiging mabuting tao talaga.”

“Friendly siya, friendly siya kapag maraming tao ang kaharap niya. Talagang nakikipag-communicate siya, kinakawayan niya,” dagdag ng Alyas Robin Hood actor.

Patuloy pa ni Dingdong, sina Marian at Baby Zia ang kanyang inspirasyon kaya lalo niyang pinagbubutihan sa Kapuso primetime hit.

“Nandyan ‘yung action. Hindi mawawala ‘yung comedy. Tsaka syempre ‘yung drama, nandyan, saad niya.

Video from GMA News

MORE ON DINGDONG DANTES:

LOOK: Dingdong Dantes, may pinagseselosan?

READ: Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Baby Zia named Most Popular Family in Showbiz