Celebrity Life

WATCH: Super Tekla, seryoso at brusko sa likod ng camera

By CHERRY SUN

Sumikat ang komedyanteng si Romeo Librada bilang si Super Tekla ng Wowowin. Ngunit kung pa-bading-bading daw siya sa TV, iba raw siya sa likod ng camera.

Laking pasasalamat ni Super Tekla na simula mag-guest siya sa programa ni Willie Revillame noong Agosto ay tuloy-tuloy na ang kanyang pagsikat. Bentang-benta kasi ang kanyang jokes sa mga sumusubaybay sa Wowowin at pati na sa mga netizens. Ngunit kuwento niya sa panayam ni Cata Tibayan sa 24 Oras, hindi ang pagpapatawa ang first love niya.

Ani Super Tekla, “Kanta lang ako ng kanta, and then naidikit na lang ‘yung comedy.”

Kahit sikat na ngayon ay simple lamang ang pamumuhay ng komedyante. Dagdag pa niya, seryoso at brusko siya sa likod ng camera.

“Normal, parang lalaki lang. Kung iisipin mo, mag-aayos lang ako ng aircon eh. Pag normal na buhay ko, naka-sombrero. ‘Yun ako,” wika niya.

Video from GMA News

MORE ON SUPER TEKLA:

MUST-READ: Ang tunay na buhay ni Super Tekla

EXCLUSIVE: Ang epekto ng Wowowin at kasikatan kay Super Tekla

WATCH: DonEkla, nagkuwento kung paano nabuo ang kanilang tandem sa Wowowin