Celebrity Life

WATCH: Regine Velasquez at Willie Revillame, inalala si Mang Gerry

By CHERRY SUN

Inalala nina Regine Velasquez at Willie Revillame ang yumaong ama ng Asia’s Songbird nang bumisita si Regine sa Wowowin.

Special guest sa programa ni Willie ang Asia’s Songbird noong Huwebes, February 16. Madalang na raw silang magkita kaya’t binalikan nila ang isang alala kung saan nakasama rin nila ang tatay ni Regine na si Mang Gerry.

Nagpasalamat si Regine sa panahong isinakay at ipinasyal sila ni Willie sa kanyang yate.

Bahagi naman ng Wowowin host, “Ma-recall ko lang. ‘Yung Papa niya kasi sobrang mahal niya. One day, nandoon ‘yung pamilya kasama si Papa Gerry, Tatay Gerry. Nandoon lang siya. So that moment, nakita kong nakangiti ang papa niya. Umikot kami doon sa MOA, naka-yate kami. Kumain kami. So that moment, tapos nakikita ko si Papa mo, kumakanta pa tayo ‘di ba. Masaya siya at that moment.”

Nami-miss daw ng Kapuso singer-host ang kanyang ama.

Ani Regine, “Oo, kasi kamatayan niya nung kailan lang, nung February 3. So syempre nami-miss ko pero ganun talaga… Lagi naman siyang nandyan… Kumbaga si Aling Dionisia kay PacMan, ako si Mang Gerry.”

Sa parehong episode, pinuri rin ni Regine si Willie para sa tagumpay ng Wowowin.

Sambit niya, “Grabe itong show mo. Oo, walang tumatalo. Kasi noong umpisa, once a week lang, biglang [daily na ngayon]. Sabi ko, ‘Iba ‘to si Willie. May kamandag ang lolo niyo. Mahal na mahal ka talaga ng mga Kapuso natin, mahal na mahal ka talaga kasi tumutulong ka na, 'tsaka nakikita naman nila na totoong tao ka kaya patuloy ka nilang minamahal.”

 

MORE ON REGINE VELASQUEZ AND WILLIE REVILLAME:

READ: Regine Velasquez, nag-react sa bashers kaugnay sa stepdaughter na si Leila Alcasid

MUST-READ: Willie Revillame, matutupad ang pangarap sa pagpunta sa Abu Dhabi