Celebrity Life

Betong Sumaya on Maey Bautista: 'Walang Betong, kung walang Maey'

By BEA RODRIGUEZ

 

On-screen partners and forever friends na yata ang Kapuso comedians na sina Betong Sumaya at Maey Bautista. Sabay nagsimula ang showbiz careers ng dalawa mula ng nagtatrabaho pa sila sa likod ng kamera.

Nang maging on-cam talents sina Betong at Maey para sa GMA News TV programs, hindi na sila naghiwalay ng landas. Kuwento ng aktor, “’Pag may mga re-enactment kami, hindi na kami kumukuha ng iba pang mga artista so kami-kami na lang mga PA’s. Nagsimula doon [at] parang nakita nila ‘yung chemistry namin na pwede pala ‘tong mag-partner.”

READ: Betong Sumaya on Maey Bautista: “Sobrang miss ko na ‘yong partnership namin”

Mas nakilala pa ang pagtatambalan ng dalawa nang sumabak sila sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown noong 2010 kung saan nanalo si Betong.

“Mas tumibay ang friendship naming dalawa. Ako hindi ko maabot ‘yung naabot ko sa Survivor Philippines kung hindi dahil kay Maey. Kumbaga, walang Betong kung walang Maey.”

 

 

Naikwento rin ni Boobay sa Tunay Na Buhay kung anong klaseng katrabaho ang aktres, “Si Ate Maey [ay] parang hindi siya nahihiyang chumaka sa screen, carry lang sa kanya. So, ‘yun ang nakikita ko sa kanyang kakaiba na maituturing kong very effective as a comedienne.”

Mula sa pagiging Segment Producer sa GMA programs, ganap na siyang komedyante at aktres ngayon. Ang aral ng buhay ni Maey B ay, “Huwag na huwag kang mawawalan ng diskarte sa buhay. Kung meron mang hindrance, laging may paraan.”

WATCH: Maey Bautista and Wil Dasovich sing the GMA Christmas Station ID theme during carolling 

Photo by: amazingbetong (IG)