Celebrity Life

Sarah Geronimo, binalikan ang magandang samahan nila ni Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang birthday greeting

By ANN CHARMAINE L. AQUINO

Isang makahulugang birthday greeting ang ibinigay ni Sarah Geronimo kay Regine Velasquez. Sa kanyang three-part video binalikan ni Sarah ang unang araw na makita niya ang Asia's Songbird.

"Noong nakita ko po kayo, para kayong hindi totoo. Para kayong lumabas mula sa TV, sa magazine, sa mga billboard, sa mga photos na nakikita ko noon. Sobrang puti ninyo, sobrang ganda, sobrang liit ng mukha ninyo, sobrang ganda, ang bango bango." Pagsisimula ni Sarah sa kanyang mensahe kay Regine.

Dagdag pa nito, "Until now, every time na nakikita ko po kayo, hindi pa rin nagbabago 'yung amazement lalo na 'pag nakakausap ko na kayo."

 

Sa ikalawang parte ng video ni Sarah ay ibinahagi niya na hindi siya makapaniwala sa kanilang nabuong pagkakaibigan.

"Hindi lang sa trabaho nakakausap ko, phone call, text message. Hindi ko lang po mapaniwalaan na magiging kaibigan ko po ang isang katulad ninyo. Sobra po akong thankful for that."


Nagpasalamat naman si Sarah sa pagiging mabuti ni Regine sa kanya at pagiging inspirasyon sa lahat.


Happy birthday, Regine!

MORE ON REGINE VELASQUEZ-ALCASID:

LOOK: Ogie Alcasid's short and sweet message for Regine Velasquez's 47th birthday

Regine Velasquez receives touching birthday greeting from "Inday" Terry Gian

Photos by: @reginevalcasid(IG) and @thervfriends(IG)