Celebrity Life

MUST-SEE: Camille Prats at Angelica Panganiban, nagkita at nagyakapan!

By BEA RODRIGUEZ

Natatandaan niyo pa ba sina Princess Sarah at Becky? Taong 1995 nang sumikat ang dalawang pinakakamamahal nating batang aktres sa pelikulang Sarah… Ang Munting Prinsesa.

Muling nagkita ang childhood best friends na sina Camille Prats at Angelica Panganiban sa birthday party ng anak nina John Prats at Isabel Oli na si Lilly Feather Prats kahapon (April 23).

Tiyak na na-miss nila ang isa’t isa dahil ayon sa Kapuso star ay todo ang kanilang chikahan at makikita rin ang kanilang mahigpit na yakapan.

 

Natuwa ang netizens sa pagkikita ng dalawa at marami pa sa kanila ang humiling ng reunion project. Mayroon ding nag-request na maging bahagi na ng pamilya Prats ang Kapamilya star.

 

Ayon sa Mars host, magkakaroon ng pagtitipon-tipon sa pagitan niya at ng kanyang dating co-stars ngayong Abril.

WATCH: Camille Prats, may reunion kasama ang mga dating nakatrabaho sa pelikulang pinagbidahan niya noong bata pa siya 

MORE ON CAMILLE PRATS:

WATCH: Camille Prats, bakit muntik masampal ni Angelica Panganiban? 

WATCH: Camille Prats, balak sabihan ng “Pasisikatin kita” si hunky actor