Celebrity Life

Bakit hindi masyadong nakapasyal si Jennylyn Mercado sa Korea?

By ANN CHARMAINE L. AQUINO

Bilang mommy, ilan sa mga struggles ni Jennylyn Mercado ay ang paghahanda ng pagkain sa kanyang anak na si Alex Jazz. 

Ikinuwento ito ni Jennylyn sa pagbisita ng ilang miyembro ng press sa taping ng ikalawang season ng Everyday Sarap with CDO. 

LOOK: Jennylyn Mercado in 'Everyday Sarap with CDO'

"Request nun mga matatamis na adobo, 'yung mga matatamis gusto nun." 

Dahil nga pihikan si Jazz, ibinahagi niya na nagkaroon sila ng problema nang sila ay magbakasyon nitong Holy Week sa Korea.

Aniya, "Si Jazz medyo nag-a-adjust siya sa Korea, hindi siya kumakain. So nag-aalala na ako. So imbes na mamasyal ako eh dadalhin ko na lang siya sa kung saan saang restaurant para lang kumain so hindi na ako nakapasyal. Pero okay lang."

Dagdag pa ni Jennylyn, "Ayaw niya 'yung food. Nag-alala talaga ako nung one day talagang walang kinain."

Dahil sa sobrang pag-aalala ay ibinuhos nila ang kanilang oras sa paghahanap ng mga restaurants para lamang masiguro na makakakain si Jazz.

"Imbes na ipapasyal namin, may mga plans pa lahat 'yun naunsyame. Sabi ko 'di bale na basta kumain lang siya. Dadalhin ko na lang siya sa mga restaurants."

MORE ON JENNYLYN MERCADO:

Jennylyn Mercado is back in GMA News TV's Everyday Sarap with CDO

Jennylyn Mercado, makakasama na ang ama na si Noli Pineda sa Pilipinas