Celebrity Life

WATCH: Maine Mendoza, plano magbakasyon sa Maldives bago magsimula ng bagong project

By OWEN ALCARAZ

Sa nalalapit na pagtatapos ng Destined To Be Yours, ang isa sa lead star nito na si Maine Mendoza may plano na!

Sa interview ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, sinabi ng dalaga na balak nitong magtungo ng Maldives para makabakasyon at makapahinga.

"Gusto ko po talagang pumunta sa Maldives na talaga, gusto ko po talagang makapag-beach after 'Destined To Be Yours' para makapagpahinga man lang, makapag-break man lang..."

Naganap ang interview sa Manila Hotel kung saan idinaos ang post-birthday celebration ng dalaga na inihanda ng kanyang mga tagahanga, ang Titas of Maine. 

Dagdag ng dalaga, "Sobrang nagpapasalamat din naman po ako at super nag-effort po talaga sila and ang dami din pong nagpunta ngayon kaya maraming salamat po sa lahat ng nag-organize at nag-punta."

Mayroon na bang nakaplanong kasunod na project para sa kanila ni Alden? "Plano po na magkaroon po sana ng movie after that. Pero focus po muna sa ending ng 'Destined To Be Yours."

Patuloy na tumutok sa mga nakakakilig na eksena sa Destined To Be Yours!


MORE ON MAINE MENDOZA:

IN PHOTOS: Maine Mendoza #SparklingAt22

LOOK: Maine is on the cover of women's magazine's anniversary issue 


Photos by: @mainedcm(IG)