Celebrity Life

Alden Richards fulfills a grandson's request, visits an elderly fan in the hospital

By GIA ALLANA SORIANO

Sa kabila ng napaka-busy na schedule ni Alden Richards, nagpaunlak itong bumisita sa isang lola na nakaratay sa ospital bunsod ng hiling ng isa sa mga apo nito.

Sa pamamagitan ng isang post sa Facebook kahapon, April 29, nakarating ang open letter ni Rafael Vicente Calinisan kay Alden Richards, ilang oras lang pagkatapos mag-post ni Rafael. Sa sulat ay sinabi ni Rafael ang kondisyon ng lola niyang nagka-stroke. Nakasaad din sa sulat na fan ni Alden ang lola niyang si Catalina L. de Ramos. 


Ayon pa kay Rafael, birthday din daw ng lola niya ngayong araw, April 30 at ang tanging hiling niya ay masulatan, mapadalhan ng litrato, o bisitahin sana ng Pambansang Bae ang kanyang Lola Catalina, or mas kilala bilang "Nana" nila.


At ngayong araw (April 30), natupad ang hiling ni Nana sapagkat dumating si Alden! 

Buo naman ang pasasalamat ni Rafael sa napakagandang regalo ni Alden para sa kanilang Nana: "Thank you so much @aldenrichards02 @maindcm, sa lahat ng mga nagmalasakit at ang buong #AlDub Nation! You made my Nana very happy on her 97th bday! We are overwhelmed!!! Now, I'm a fan. Thank you so much!!!!"