Celebrity Life

WATCH: Sunshine Dizon at Gabby Concepcion, hanga sa pagganap ni Ryza Cenon sa 'Ika-6 Na Utos'

By BEA RODRIGUEZ

Talagang mahusay ang pagganap ni Kapuso star Ryza Cenon sa kanyang karakter na si Georgia sa Ika-6 Na Utos kaya naman all praises ang kanyang co-stars sa nangungunang hit afternoon drama.

Pero alam niyo bang ang lead star ng serye na si Sunshine Dizo ang isa sa mga nagturo kay Ryza?

Bahagi ni Sunshine sa Tunay Na Buhay, “At first, I could really feel her apprehension in doing the show kasi kinausap din niya ako na parang she was not sure of what she was doing, and then she also asked for advice. I just gave her [some] pointers.”

Dati nang naging kontrabida ang batikang aktres sa original series na Encantadia noong 2005 bilang si Sang’gre Pirena, ang bida-kontrabida na tagapangalaga ng brilyante ng apoy.

Hanga rin sa galing ng StarStruck alumna ang all-time leading man na si Gabby Concepcion, “Si Ryza [ay] tahi-tahimik lang iyan pero oras na nag-umpisa [ng pagbato] ng linya base doon sa karakter niya, hindi mo iisipin na ‘yung karakter niyang si Georgia ay si Ryza Cenon.”

Kakaiba nga talaga ang aktres sa kanyang karakter pero maraming haters nang dumidibdib sa kanya sa totoong buhay. Kuwento ni Ryza, “Galit sila sa akin [at] gusto nila akong patayin. Meron [pa ngang] gusto akong buhusan ng asido sa mukha [at] meron namang wini-wish nilang mangyari sa akin sa totoong buhay na lokohin ako ng boyfriend ko para daw ma-experience ko ‘yung pakiramdam.”

Patuloy pa rin ang pagbabangga ng kanilang mga karakter sa kuwento kaya tutukan ang Ika-6 Na Utos mula Lunes hanggang Sabado ng 2:30 p.m.


MORE ON RYZA CENON:

WATCH: What happens to Ruza Cenon every time she takes on the role of Georgia on ‘Ika-6 Na Utos?’ 

MUST-WATCH: Ryza Cenon, nakakatanggap ng indecent proposals? 

READ: BF ni Ryza Cenon at GF ni Mike Tan, suportado ang kanilang roles sa ‘Ika-6 Na Utos’