Celebrity Life

LOOK: Alden Richards has three covers for magazine

By MARAH RUIZ

Mala-anghel si Pambansang Bae Alden Richards sa kanyang all white outfits para sa June 2017 cover ng men's fashion and lifestyle magazine na Mega Man.

 

"Pride" ang tema ng issue at ibinahagi ng magazine kung bakit si Alden ang napili nilang maging cover para sa buwang  ito.

"Counting on pride of the self and of the work he does, he displays a fine realization that belies his age," sulat nila sa kanilang Instagram account. 

 

Bukod dito, tinalakay din ni Alden sa Mega Man ang kanyang mga inspirasyon at motibasyon sa pagpapatuloy ng kanyang trabaho. 

 

Nakatakda namang mag-shoot ng pelikula si Alden sa Europe sa mga susunod na buwan. Ito ang follow up project nila ng ka-love team na si Maine Mendoza pagkatapos ng kanilang GMA Telebabad series na Destined To Be Yours.