Celebrity Life

Isang netizen, nag-tweet tungkol sa generosity ni Willie Revillame

By CHERRY SUN

Ibinida ng isang netizen ang napansin niyang generosity ni Willie Revillame nang makasalubong niya ito sa isang mall.

Ayon sa netizen na may twitter name na @hanerichmarmol, humiling siya ng selfie sa Wowowin host at ito’y agad na pinaunlakan ni Kuya Wil. Nagawa rin daw niyang makipagbiruan dito sa pagkanta ng ‘Doobi doobi dapp dapp.’

Kuwento rin niya, namigay din daw ng pera si Willie sa mga janitor at ibang tao sa mall.