Celebrity Life

READ: Judy Ann Santos' heartwarming Father's Day message to Ryan Agoncillo

Malayo man sa piling nila si Ryan Agoncillo, hindi nakalimot si Judy Ann Santos na batiin ang kanyang asawa ng "Happy Father's Day."

Nag-post ang sikat na actress ng isang sweet at heartwarming message sa Instagram at ilang photos na nagpapakita ng bonding moments nilang pamilya. Halatang sobrang miss na ni Juday si Ryan.  

 

"To our walking encyclopedia, our tickle monster, to my life and love.. happy father's day! We miss you more everyday. But very, very proud of you! We love you bub! 2 more weeks and you're mine again,"  ani Judy Ann.

Matatatandaang lumipad patungong India si Ryan noong June 11, para makilahok sa isang motorbike adventure sa Himalayas. Ayon sa aktor, mahirap daw ang phone signal sa parteng iyon ng India, kaya malamang mahihirapan syang ma-contact ang kanyang pamilya.

Bahagi ang Eat Bulaga host ng seven-man riding team, na unang grupo ng mga Pinoy na gagawa ng nasabing Himalayan challenge. 

Good luck Ryan and Happy Father's Day!