Celebrity Life

LOOK: Kris Aquino pinasilip sa Instagram ang pasalubong ng Italian girlfriend ni James Yap para sa kaniya

By Aedrianne Acar

Sobra ang tuwa ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa thoughtful gesture ng Italian girlfriend ng dati niyang asawa na si James Yap matapos ito makatanggap ng pasalubong mula dito.

Sa Instagram post ng celebrity mom ngayong araw, July 12, ipinasilip niya sa kaniyang followers ang regalo ni Michela Cazzola.

Kamakailan lang lumipad ang PBA superstar na si James Yap at si Michela kasama ang baby nila na si Michael James para magbakasyon sa Italy.