Celebrity Life

EXCLUSIVE: Wyn Marquez, bilib sa working mom at 'Mulawin VS Ravena' co-star na si Chynna Ortaleza

By Al Kendrick Noguera

 

 

Interview by JANIS GOPEZ

Ilang buwan nang magkakasama sa taping ang cast ng Mulawin VS Ravena kaya naman hindi maiiwasang maging close na sila sa isa't isa. Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Kapuso actress Wyn Marquez kung sino ang pinaka-close niya sa kanyang co-stars.

"[Si] Chynna [Ortaleza]," pahayag ni Wyn na gumaganap bilang si Ribay, isang Ravena.

Ayon kay Wyn, dahil napakarami raw cast ng higanteng telefantasya, hindi sila nakukumpleto sa taping ng GMA Telebabad soap. Ang madalas niya lang daw makaeksena ay ang mga Ravena tulad ni Chynna na nagbibigay buhay sa karakter ni Reyna Rashana.

Ani Wyn, "Sa sobrang dami ng cast, hindi lahat [ay] mayroong taping. But we see to it that we have a Viber group, then we talk, then we update each other, we talk about the script."

Kuwento ni Wyn, hindi raw niya inasahang magiging malapit sila ni Chynna. "I didn't expect to be close to her kasi siyempre [malaki] 'yung age gap namin and hindi ko siya nakasama talaga. I love talking to her. She's a new mom and she shares a lot of stories about her kid. And I love kids. So ang saya lang. Tapos ang galing pa niyang umarte. Ang galing niya pang maging kontrabida," anang aktres.

Dagdag pa ni Wyn, "She (Chynna) is really into the script so babasahin niya between the lines. Ma-a-amaze ka talaga kung paano siya kaseryoso sa craft niya."

Isa raw sa madalas mapag-usapan nina Wyn at Chynna sa set ay ang pagwo-workout. "Ang nakakatawa roon kasi nga bagong mom siya, wala siyang time mag-workout. Siyempre she has a kid. Though ang sinasabi ko sa kanya, workout na 'yung having a kid itself 'coz you have to run around, you have to carry her. Tinatanong naman niya ako about my gym, sasabihin ko lang sa kanya na hindi mo na kailangang mag-gym. Buhatin mo na lang si Stellar," saad niya.