Celebrity Life

WATCH: Bakit wala munang honeymoon sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap?

By Aedrianne Acar

Maraming Kapuso ang natuwa sa prenup photos ng Kapuso couple na sina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan.

Aminado si Rochelle sa panayam sa 24 Oras na kilig na kilig siya habang kinukunan ito kasama ang fiancé na si Arthur.

Kuwento niya, “Ini-enjoy lang namin tapos ang daming niyang bulong sa akin na kung ano-ano so kaya ako kilig na kilig dun, kung ano-ano na ‘yung ginagawa ko tuloy. Eh nakaka-capture ng photos so lumalabas nang natural.”

IN PHOTOS: Meet the A-list celebs who are part of the wedding entourage of Arthur Solinap and Rochelle Pangilinan

Pinangalan na rin ng dalawa ang kanilang entourage sa Christian wedding nila sa Tagaytay next month.  

Kasama dito ang mga pinsan ni Arthur na sina Dingdong Dantes at Carlo Gonzalez.  Pati na rin sina Luane Dy, Andrea Torres, Max Collins, Alessandra de Rossi at Glaiza de Castro. 

Hindi rin makakalimutan sa wedding entourage ng dalawa ang Eat Bulaga stars na sina Tito Sotto, Joey de Leon, Vic Sotto at Jose Manalo. Kabilang din ang direktor ni Arthur sa Pepito Manaloto na si  Direk Bert de Leon.

Stress free din daw ang wedding preparations ng dalawa, dahil nae-enjoy nila ang buong proseso.

Paliwanag ni Rochelle, “Kami lang yata ‘yung ikakasal na nag-eenjoy sa wedding prep kasi tini-treasure namin siya, 'tsaka ‘yung pagtatalo namin  hindi sa wedding preparation eh sa ibang bagay eh.”

Delayed honeymoon

Made-delay raw muna ang honeymoon nina Rochelle at Arthur, dahil may mga bago silang projects sa Kapuso Network.

Ni-reveal din ng former Sexbomb dancer na plano na niyang mabuntis bago matapos ang taon.

Ayon kay Arthur, “Sana before mag end of the year sana mabuntis na siya bago mag December.”

Dagdag ni Rochelle, “Ready-ready na ako, hindi na ako bata so reading-ready na ako.”