Celebrity Life

Regine Velasquez-Alcasid, muntik na ma-hack ang social media account

By Maine Aquino

Maraming celebrities na ang naka-experience na muntik ma-hack or tuluyang na-hack ang social media account. Ngayong araw, August 22, dagdag sa listahan ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid. 

Ibinalita ni Regine via an instagram post na mayroong nagnanais na mag-hack ng kanyang Facebook account. Ayon  sa singer-actress, nalaman niya ito nang makatanggap siya ng notification na may gustong magpalit ng password sa kanyang account. 

Ganoon pa man, nagawa pa ring idaan ng Asia's Songbird sa biro ang pangyayaring ito. Aniya, "Uy sikat na ko may nag hahack sa kin!!!! #wagganon #pakiimbistigahannga"

Ilang followers naman ang nagpahayag ng concern sa Sarap Diva host.

 

 

 

 

Ang ilang personalidad na nakaranas rin ng ganitong insidente ay sina Maine Mendoza, Wyn Marquez, Sunshine Dizon, Pia Wurtzbach at Julie Anne San Jose.