Celebrity Life

Pamilya Legaspi, gustong magkaroon ng sariling travel show

By Gia Allana Soriano

Sa report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, naikuwento ni Carmina Villaroel na sobrang nag-enjoy silang mag-anak sa mga lugar na napuntahan nila para sa GMA travel show na Road Trip. 

Aniya kung magkaroon nga raw ng offer para sa pamilya nila, ganitong genre ang gusto nilang gawin. Ika niya, "Gusto talaga namin 'yung ganung klaseng tema ng show. Sabi ko nga kung magkakaroon ng ganung show na mag-anak. Gusto ko something like that. [Kasi] parang you get to travel, you get to go to places na hindi pa namin napupuntahan."

 

Dagdag pa niya, sobrang nag-enjoy ang kambal sa kanilang "road trip." Aniya, "Lagi ko nga [silang] niloloko, 'oi, may part 2, may part 2' naman.'"

Pinalabas ang Road Trip special nina Zoren Legaspi, Carmina Villaroel-Legaspi, and twins Mavy and Cassy noong July 23 at July 30.

 

 

Possible kayang magkaroon ng travel show project ang pamilya Legaspi?

Panoorin ang full report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:

Video from GMA News