Celebrity Life

EXCLUSIVE: Chynna Ortaleza and Kean Cipriano reveal the theme of their upcoming wedding

By Maine Aquino

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com ay ibinahagi ng celebrity couple na sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano ang theme ng kanilang kasal ngayong darating na Nobyembre.

Sina Chynna at Kean ay nagdesisyon umano na pag-isahin ang kanilang passion sa art para maging tema ng kanilang wedding. Makikita umano dito na hindi ito katulad ng ibang traditional na kasal na ating nakikita. Ani ni Chynna, "It's actually like a dark vintage art vibe."

Dugtong naman ni Kean, "There's this whole creative flow doon sa wedding namin so parang hindi siya 'yung shining, shimmering, splendid. Hindi siya 'yung typical na mabulaklak."

Ayon sa celebrity couple, sa theme na ito ay lalabas ang kanilang mga personalidad. Sa pagpaplano ng kasal na ito ay makikita ang collaboration nina Chynna at Kean para magawa ang kanilang dream wedding. 

 

Kuwento ni Chynna, "It's really a proper mix of our personalities. Kasi 'di ba 'pag wedding it's usually the girl who does all the planning, but here, it's nice 'cause it's a combination of both our art and our ideas."

Dagdag ni Kean, "'Yung mga taong pupunta sa wedding namin for sure alam na nila kami yung ikakasal. Nothing fancy. Yung art talaga namin ni Chynna 'yung kinombine namin para maging tema ng wedding kasi hindi talaga namin kaya na magpanggap."

Ipinangako nina Chynna na kanilang ibabahagi ang kanilang espesyal na araw sa mga sumuporta at nakasama nila sa kanilang buhay pag-ibig. Saad niya, "Eventually when you'll see the wedding, after we'll be releasing naman of course, we'll be sharing our wedding to our friends, our followers. 'Pag nakita niyo ah gets niyo na 'yung sinasabi ko."

"It's rock and roll. It's black and dark," pagtatapos ni Kean.