Celebrity Life

LOOK: Regine Velasquez-Alcasid, inalala ang kaarawan ng kanyang ama na si Mang Gerry Velasquez

By Maine Aquino

Ipinakita ni Regine Velasquez-Alcasid ang kanyang pagmamahal sa ama sa kanyang espesyal na araw.

Ngayong October 16 ay ang kaarawan ng yumaong ama ng Asia’s Songbird na si Gerardo “Mang Gerry” Velasquez kaya naman ginunita ito ni Regine sa kanyang social media account. Aniya, “Happy birthday, Mang Gerry, we miss you very much.” 


Sa Tonight with Arnold Clavio ay ibinahagi ni Regine na sa darating na R 3.0 concert niya ay tiyak na maninibago siya dahil wala ang kanyang ama sa audience. Hindi lang ama ang turing ni Regine kay Mang Gerry dahil siya ay tumayong mentor at hero sa buhay niya.

"I think I would feel kinda weird—itong solo concert na wala siya. It would really feel weird without him but I know that he's watching me in heaven so he's got the best seat," saad ni Regine.

WATCH: Regine Velasquez, naninibagong mag-concert nang wala ang amang si Mang Gerry

Happy birthday, Mang Gerry!