Celebrity Life

Anne Curtis at Erwan Heussaff, ready na bang magka-baby?

By Aedrianne Acar

Matapos ang star-studded wedding nina Anne Curtis at celebrity chef na si Erwan Heussaff sa New Zealand, marami ang nagtatanong kung ready na ang dalawa na magkaroon ng mga chikiting.

IN PHOTOS: Anne Curtis and Erwan Heussaff's wedding party

Ayon sa tweet ng former T.G.I.S actress, hindi pa daw sila ready para sa ‘big step’ na ito at mas gusto muna nilang i-enjoy ang isa’t-isa.

 

 

Sa ibang balita, gumawa rin ng ingay ang wedding photo nila Mr. and Mrs Heussaff sa Instagram.

Ang photo na ini-upload ni Anne Curtis sa image-sharing platform sa Queenstown, New Zealand ay nakakuha na nang mahigit sa 1 million likes.