Celebrity Life

#PusoNgPasko: Aiai Delas Alas becomes Santa Claus for street kids

By Aedrianne Acar

Tunay na isinasapuso ng Comedy Queen na si Aiai Delas Alas ang Christmas campaign ng Kapuso Network na ‘Buong Pusong MaGMAhalan,’ matapos ibahagi ng award-winning comedienne ang naging encounter niya sa mga street children sa Timog Avenue, Quezon City.

Sa isang Instagram post ni Aiai kahapon, November 20, hindi nito naiwasan mahabag sa kalagayan ng mga batang palaboy na nakilala niya.

Hindi nagdalawang-isip ang Bossing & Ai star na mag-abot ng maliit na tulong sa mga ito at napagtanto niya na masuwerte ang mga anak niya na hindi nila naranasan ang ganitong hirap.

Hangad din ni Aiai na sana ma-inspire ang mga Kapuso na tumulong sa mga nangangailangan, ngayong Pasko kahit sa anu mang paraan.

 “At bumili ako ng request nila mcdo .. at eto pic nato kinuhanan pala ko ni francis my friend na ka meeting ko .. and saya ko kasi .. and saya saya ng mga bata ... na ang swerte ko at mga anak ko d ko naranasan yung buhay nila.. sabi ng kaibigan ko si michael @akosimichaelangelo ang totoong essence ng buhay kapag nabubuhay ka para SA IBANG TAO .. GOD BLESS EVERYONE ???? #pusongpasko #merrypaskoparasamgabata #naiiyakako#giveloveinourownlittelway”