Celebrity Life

WATCH: Kim Domingo, excited na sa kanyang pinakaunang GMA Pinoy TV show sa Dubai

By Bea Rodriguez

 

Excited ngunit kinakabahan na si Asia’s Fantasy Kim Domingo sa kanyang kauna-unahang GMA Pinoy TV show sa Dubai ngayong Biyernes (December 8).

“Looking forward ako na makasama ‘yung mga Kapuso nating Pinoy sa Dubai,” paunang kwento ng sexy actress sa panayam ni Aubrey Carampel sa Balitanghali.

Magkakaroon ng performance ang Kapuso star kasama ang komedyanteng si Kim Idol at sasabak naman siya sa isang photography workshop bilang isang modelo.

Ang celebrity photographer na si Raymund Isaac ang may hawak ng workshop at dadaluhan ito ng 100 participants. Pipili naman si Kim ng limang litratong ipo-post online.

Abangan ang kanyang matinding pagbabalik sa Super Ma’am bilang mas malakas na Avenir na muling makakaharap ng ating super bida na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.