Celebrity Life

Klea Pineda at Kate Valdez, paano magse-celebrate ng Chinese New Year?

By Gia Allana Soriano

Nakaplano na mag-celebrate ang mga aktres na sina Klea Pineda at Kate Valdez ng Chinese New Year this year.

 

Kuwento ni Klea, "Yes [magse-celebrate kami,] kasi kahit paano 'yung sa side ng mom ko may blood ng Chinese. So, parang ako, siguro 'yung blood ng Chinese mga 1/8 na lang, ganyan. Pero nagse-celebrate pa rin kami. Kaya minsan, nung mga [previous] years, nagse-celebrate kami talaga, pumupunta kami sa Lucky Chinatown, Binodo, ganyan. 'Yung mommy ko nagluluto ng mga food na Chinese."

 

Si Kate naman, depende rin kung may event pero excited din siyang mag-celebrate sa bahay nila. Aniya, "Yes, of course. Nagse-celebrate ako. Sine-celebrate namin siya, nagluluto rin ang mom ko. Of course, hindi mawawala ang tikoy, my favorite. And after that may mga kaunting fireworks lang din, hindi naman big na fireworks. Mga simple lang din."