Celebrity Life

WATCH: Carla Abellana, artista na, restaurant owner pa!

By Bea Rodriguez

Talagang #BBQForTheSoul ang juicy at “melts in your mouth” menu ng aktres na ngayon ay restaurant business owner na na si Carla Abellana, “We have smoked barbeque. Iyon po ang specialty.”


Pinakita ni Carla kay GMA entertainment correspondent Lhar Santiago ang kanilang mga kagamitan sa Holy Smokes BBQ restaurant, “Iyan po ang aming custom smoker. Pinasadya pa po ito. Ngayon, meron tayong smoke chicken.”  

Kuwento ng aktres sa report ni Lhar sa Unang Hirit ay madalas bumibisita sa kanyang restaurant ang boyfriend na si Kapuso hunk Tom Rodriguez kasama ang kanyang mga kaibigan.

“Lagi po iyan nakaka-second serving ng chili bowl dito. Favorite din po ni Tom magpunta dito. Lagi po kung pumupunta po [siya] dito, lagi pong may kasama po si Tom,” dagdag ng aktres.

Itinampok na rin ni Carla ang kanyang restaurant sa Taste Buddies at PopTalk ng GMA.

Video courtesy of GMA News