Celebrity Life

Bakit swimwear ang business ni Sheena Halili?

By Bianca Geli

 

Bukod sa showbiz, abala rin ang mga celebrities sa maraming bagay. Marami sa kanila ang meron din mga negosyo. Tulad ng dating StarStruck Season 1 avenger na si Sheena Halili.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, Ikinuwento ni Sheena na business-minded na siya mula nung nasa kolehiyo pa siya. Aniya, "Mahilig talaga akong gumawa ng pagkakakitaan. Kahit anong raket lang.”

Hilig rin talaga ni Sheena ang panonood ng fashion shows mula pagkabata, ito ang nag-udkyok sa kanya na muling bumalik sa pagnenegosyo. “Kapag bumibili ako ng swimwears, sa mga mall, ang hirap talagang humanap. Madalas kasi pang-international kasi 'yung mga body sizes.  Siyempre Asian 'yung size ko. Tapos naisip ko rin dito sa Pilipinas, bilang marami talaga tayong islands, marami tayong beach...so why not swimwear?”

Kaya naglabas ng kanyang sariling swimwear line si Sheena na tinawag niyang Yve Swimwear. Nakatulong din daw sa paglaki ng kanyang negosyo ang suporta ng kanyang mga online followers. Kuwento niya, “Nag-post lang ako sa Instagram, tinanong ko lang kung sa tingin nila okay ba na magkaroon ako ng swimwear line, and then maraming nag-encourage sa akin. Maraming magandang feedback.”

Sariling designs ni Sheena ang mga swimwear na negosyo niya. Sinusuot niya rin ito for quality checking at para i-endorse online. Bukod sa swimwear, meron ring sariling lip and cheek tint si Sheena. Ito ang unang produktong inilabas niya mula sa plano niyang ilabas na makeup and skincare line.

Aniya, “Siyempre hindi lang naman pupunta ka sa beach na swimwear lang dala mo.So iniisip ko rin kung ano 'yung mga dinadala ko kapag nagta-travel ako.”

Payo rin ni Sheena, hindi kailangan maging gym buff o sporty para maging sexy ngayong tag-init, “Siguro talagang maging confident ka lang.”

Panoorin ang buong report dito: