Celebrity Life

Bettinna Carlos, nakatanggap ng Php 100,000 bago ang birthday ni Gummy

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Bettinna Carlos ang isang milagrong kanyang natanggap isang araw bago ang kaarawan ng kanyang anak na si Gummy.

Ayon sa post ni Bettinna, nag-shopping siya ng ilang last-minute items para sa birthday ng kanyang anak nang ibalita sa kanya ng cashier na siya ay pinalad na manalo ng Php 100,000. Saad pa niya ay hindi siya makapaniwala na siya ang napili dahil wala naman siyang sinasalihan na raffle. 

"'Di ako makapaniwala. As in. Napalunok ako na napaupo, na-shock nang grabehan. Muntik na 'ko manghingi ng tubig. OA sounding but I was BEYOND SURPRISED. IN DISBELIEF NA NGA EH. Bakit naman ako mananalo eh wala naman akong sinalihan! I didn't know they have such promo. Apparently only one every quarter wins," saad niya.

 

Dagdag pa ni Bettinna, naging totoo na ang pangyayari sa kanya nang matanggap niya na ang gift certificates na kanyang napanalunan. Aniya, "I felt so blessed to have this and it came out of nowhere (of course it came from above) and the cashier ladies were telling me 'Ma'am, ang suwerte mo, birthday mo ba?' Sabi ko naku birthday ng anak ko bukas. So I claimed it at the customer service and nanalo nga talaga akooooo. GRABEEEEE."

Dahil sa hindi inaasahang blessing na kanyang natanggap, nagdesisyon si Bettinna na siya ay magbabahagi sa kanyang Instagram followers ng portion ng kanyang napanalunan.

"I'm posting this because I want to pay it forward and be a blessing especially because it's my baby's 7th bday. I don't know how to tithe this amount so gusto ko i-share ang GRASYA (Grace/undeserved favor) to someone. I want to give ONE PERSON P10,000 worth of GCs. Tell me what you want/need it for. Kahit pa gusto mo lang mag-shopping ng outfits kasi luma na mga damit mo or pamalit ng bumbilya o bumili ng bagong lamp o mga plato pangkusina o pang-grocery. Whatever story you have to tell, tell it. Maybe this is an answer to your need. I want to bless someone with this unexpected blessing. Will choose and announce the winner tonight. Thank you Lord."

Congratulations, Bettinna!