Celebrity Life

EXCLUSIVE: Bakit isang bloodletting event ang naging birthday celebration ni Rocco Nacino?

By Michelle Caligan

Nag-organisa ng bloodletting event si Kapuso leading man Rocco Nacino nitong Sabado, March 17, bilang pagdiriwang ng kanyang nalalapit na kaarawan sa March 21. Ginanap ito sa Rufo's Timog na pagmamay-ari ng aktor.

 

Ayon kay Rocco, gusto daw niyang gawing kakaiba ang birthday celebration niya ngayong taon.

EXCLUSIVE: Rocco Nacino opens up about relationship with volleyball star Melissa Gohing

"The fans club, my mom, nag-usap kami to make something different. Nung una, parang gusto ng mga bata manood ng Eat Bulaga. Tapos, on the day itself, sabi sakin 'Sir Rocco, puwede bang pumili kayo ng dalawa pang bata?' Sabi ko, 'Bakit?' Sabi nila, 'Namatay kanina.' Kasi biglaan kailangan nila ng dugo, tapos hindi sila mabigyan. Nakakalungkot na on that day that they were supposed to have fun, 'yun ang mangyayari. So we wanted to make things different this time, and have a sense of fulfillment by being a hero, by donating blood to children. They will be donated to PGH, the Pedia Oncology Ward, and Bahay Aruga," kuwento niya sa exclusive interview with GMANetwork.com.

Bahagi pa ng aktor, bago pa man daw siya naging artista ay ginagawa na ito ng kanyang pamilya.

"Kapag birthday ko, birthday ni Daddy or ni Mommy, we make it a point to be able to reach out and give back. Even before showbiz, gawain na namin 'yan kaya naging hilig na talaga namin. With Bahay Aruga, ilang taon na rin naming naging chosen charity, kasi naging ka-close na rin namin 'yung buong foundation. And hindi lang sila specific number, paiba-iba sila. So we get to meet a lot of people, we get to hear stories about 'yung challenges nila. And to get to help these people, napakalaking fulfillment para sa akin."