Celebrity Life

Bianca Umali, ibinahagi ang kuwento ng kanyang light-up debut gown

By Maine Aquino

Showstopper ang gown na isinuot ng debutante na si Bianca Umali sa kanyang birthday celebration.

Ang kanyang light-up gown ay ginawa ng designer na si Liza Padilla. Kuwento ni Bianca ay plinano niya ito para sa kanyang 18th birthday celebration. 

 

Aniya, "Matagal ko na siyang nakita. Matagal ko na siyang gustong mangyari and I really planned it for today."

Hindi umano ito ang "dream gown" ng aktres pero ito ay kanyang pinili para sa kanyang espesyal na gabi. "It was what I wanted for my eighteenth birthday."