Celebrity Life

LOOK: Claudine Barretto talks to Rico Yan's sister on the anniversary of his death

By Rowena Alcaraz

Kahapon, March 29, ginunita ng pamilya, kaibigan, at mga fans ang pagpanaw ng aktor na si Rico Yan. 

Taong 2002 nang pumanaw ang aktor sanhi ng acute pancreatitis o mas kilala sa layman's term na bangungot. 

Ang dati nitong kasintahan na si Claudine Barretto, hindi naman nakalimot at kausap pa ang kapatid ng yumaong aktor na si Tina Marie Yan.

Gamit ang hashtag na #sistersforlife, ibinahagi ng aktres ang isang larawan kung saan makikitang kausap niya ito. Aniya, "Thank God I've my sister @tinamarieyan, we cry and smile but one thing is for sure we both try to survive this day together, although far away, we both have each other to lean on"

Noong Pebrero ng kasalukuyang taon, bumisita din ang aktres sa puntod ng dating boyfriend.