Celebrity Life

WATCH: Jamie Rivera, itinuturing na himala ang pagkakasulat niya ng 'We Are All God's Children'

By Marah Ruiz

Si Inspirational Diva Jamie Rivera mismo ang nagsulat ang nag-produce ng awit na "We Are All God's Children."

Ang awit na ito ay ginamit para sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015.

Personal daw na hiniling ni Jamie na umawit at ang gumawa ng kanta para sa pagbisitang ito.

"Noong 2014, nalaman ko na dadating si Pope Francis the following year. Kinausap ko kagad, tawag kagad ako kay Archbishop Soc Villegas. Sabi ko, Father paano po ba? Pwede po ba 'kong kumanta for Pope Francis?'" kuwento niya.

Ikinagulat naman daw ito ng Arsobispo pero nangako si Jamie na siya na mismo ang susulat at magpo-produce ng kanta. 

Binigyan naman siya nito ng tema—solidarity to the poor, mercy to the weak. Bukod dito, binigyan din siya ng dalawang linggo para tapusin ang awit. 

"Na-pressure ako noon. Hindi ako makagawa ng kanta. Binasa ko na lahat—Bible, lahat ng ispirational books, sa YouTube. Hindi ako lumalabas ng bahay kasi nga hindi ko alam kung paano ang isusulat ko," aniya. 

Buti na lang, naisip niyang magpahinga muna at mamasyal. Dito na siya nakakuha ng inspirasyon, partikular na sa mga street children at mga palaboy.

"Holy Spirit na talaga. Divine providence talaga. Dire-diretso na 'yun hanggang naisulat ko na [ang kanta]. Miracle actually talaga 'yun," pag-alala niya. 

"Mamaya, tumawag na sakin si Archbishop. Sabi niya, 'You'll be very happy Jamie because the song was approved by the Vatican and CBCP,'" dagdag pa niot. 

Panoorin ang buong kuwento ng pagsulat ni Jamie sa kanta sa kanyang interview sa programang Tonight With Arnold Clavio: