Celebrity Life

READ: Sarah Lahbati napikon sa netizens na may komento sa pag-aalaga niya kay Baby Kai

By Aedrianne Acar

Walang pagsidlan ng tuwa ang StarStruck graduate na si Sarah Lahbati matapos niya ipinanganak last month ang second baby nila ng kaniyang fiancé na si Richard Gutierrez.

#PreggyInStyle: 12 stunning photos of Sarah Lahbati while expecting

Isinilang ni Sarah si Baby Kai last March 21.

Sa Instagram post ng celebrity mom, sinabi nito na sulit ang lahat ng pagod niya bilang isang ina sa tuwing nakikita ang kaniyang cute chikiting.

“I can watch you sleep all night long when the house is quiet and still, even after the hardest days of motherhood I feel content and love. ”

 

Tila hindi naman nagustuhan ni Sarah ang mga naging komento ng ilang netizens patungkol sa pagpapatulog niya kay Baby Kai na may katabing mga unan.

May paki-usap ito na nawa’y huwag pakialaman ng mga tao ang diskarte niya bilang isang nanay sa kaniyang mga anak.