Celebrity Life

LOOK: Paolo Ballesteros's first finished resin painting

By Jansen Ramos

Tila namana ng Eat Bulaga Dabarkad na si Paolo Ballesteros ang pagkahilig niya sa sining sa kanyang great-grandfather at National Artist for Visual Arts na si Fernando Amorsolo.

Matapos makilala bilang King of Makeup Transformation, ipinamalas naman niya ang kanyang talento sa pagpinta. Proud niyang ibinahagi sa kanyang Instagram account ang kanyang first finished resin painting. Base sa kanyang post, inamin niyang kailangan pa niya ng practice para ma-perfect ito.


Kahit na first time ni Paolo na gawin ito, umani kaagad ito ng papuri mula sa kanyang kapwa Dabarkads na sina Joey de Leon at Luane Dy. Sinabi pa ng Henyo Master na dapat ay noon pa niya ito sinimulan. Humanga rin ang kanyang tita at aktres na si Eula Valdes sa kanyang resin painting. Narito ang comments: