Celebrity Life

Marika Sasaki to birthday girl Julie Anne San Jose: 'I am very thankful that God gave me [a] chance to know you'

By Aedrianne Acar

Hindi nagpahuli ang Kapuso actress na si Marika Sasaki sa kaniyang birthday surprise para sa nag-iisang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.

WATCH: Kiko Estrada, magtatapat na ba kay Julie Anne San Jose?

Sa kaniyang Instagram post, ipinasilip ni Marika ang regalo niyang stuff toy at rose pastillas para sa kaniyang new BFF.

Muli itong nagpasalamat kay Julie Anne sa pagiging matulungin nito at hindi madamot sa pagbibigay ng advice.

“Lab u always. You'll always be my inspiration and I just want you to know that I am very thankful that God gave me chance to know you and to meet you kasi napakaraming taong hinahangad kang makita at makausap kaya grateful ako sobra na bff kita dito.”

Dagdag pa ni Marika: “Salamat! Hehe nahihiya akong sabihin personally baka maging cheesy masyado tyaka ey basta! I LOVE YOU! and thank you so much for being such a good person to me. Sa mga advices mo, yung tipong nanjan ka lagi para sa akin salamat! SALAMAT! Now I know kung bakit ikaw ay isang Julie Ann San Jose. At yun ay dahil napakamapagmahal, napakatotoo at napakamasayahin mong tao. Belated happy birthday”

 

Nagpasalamat naman ang Kapuso singer sa kaniyang My Guitar Princess co-star.