Celebrity Life

READ: 'Trops' star Toni Aquino, pumalag sa basher na sinabing 'abnormal' ang kapatid niyang si AJ

By Aedrianne Acar

Hindi pinalagpas ng anak ni Eat Bulaga host Ruby Rodriguez na si Toni Aquino ang pang-aalipustang natanggap mula sa isang netizen.

LOOK: Who is the mystery guy on 'Trops' star Toni Aquino's IG?

Sa kaniyang Instagram story, naglabas ng sama ng loob ang former Trops star sa isang basher na sunod-sunod na may negatibong komento patungkol sa kanya at sa pamilya niya.

Sinagot din ni Toni ang naturang netizen nang tahasan nitong sinabi na ‘abnormal’  ang kapatid na si AJ.

Saad ni Toni, “startbucks6128 okay gets ko mahaba baba ko and whatever else you effin say. BUT TO CALL MY BROTHER ABNORMAL TEKA LANG HA.”

“Before you even dare to speak, tignan mo pagmumukha mo sa salamin and umayos ka. Okay lang ako na insultuhin mo ako pero pag ininsulto mo na kapatid ko at tinawag na abnormal, mali yun.”

READ: Eat Bulaga host speaks out about son's special condition

Matatandaan na sa panayam ni Ruby Rodriguez noong 2011 na nadiagnose ang anak niyang lalaki na may ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder.

Silipin ang posts ni Toni Aquino sa kanyang Instagram story.