Celebrity Life

LOOK: Rhian Ramos, confident sa kanyang no makeup look

By Marah Ruiz

Isa si Kapuso actress Rhian Ramos sa pinakamagagandang mukha sa larangan ng Philippine showbiz. 

isang necessity man ang makeup sa industriyang kinabibilangan niya, confident pa siyang lumabas nang walang bahid ng makeup sa mukha. 

Sa isang serye ng mga selfies, ipinakita niya ang kanyang mukha na naka full makeup hanggang sa mabura na niya ang lahat ng ito. 


Katatapos lang ni Rhian na bumida sa sexy romatic comedy na The One That Got Away kung saan nakasama niya ang mga kapwa Kapuso beauties na sina Lovi Poe at Max Collins.