Celebrity Life

LOOK: Max Collins at Pancho Magno, may matching kulitan pictures

Ilang buwan nang kasal sina Kapuso actors Max Collins at Pancho Magno pero tila nasa honeymoon phase pa rin sila.

Dinala nila ang kanilang sweet kulitan hanggang sa kanilang mga Instagram account.

Nag-post kasi si Max ng isang litrato kung saan umiinom siya ng kape at nakatanaw sa labas ng bintana habang naka bathrobe at shades. 

"Coffee because it's too early for wine," sulat niya sa kanyang caption. 

 

Agad naman itong ginaya ni Pancho, na nagsuot din ng bathrobe at shades at nagpalitrato malapit sa bintana habang umiinom naman ng wine. 

"Wine because it’s too late for coffee," saad naman niya sa kanyang caption at nakuha pang i-tag dito ang kanyang asawa. 

 

Ikinasal sina Max at Pancho noong Disyembre ng nakaraang taon.