Celebrity Life

WATCH: Gabbi Garcia, pag-iwas sa pork ang sikreto ng makinis na balat

By Marah Ruiz

Maingat daw si Kapuso actress Gabbi Garcia sa pagpili sa kanyang mga kinakain para mapanatiling makinis at healthy ang kanyang balat. 

"I don't eat pork anymore. I eat black rice and more greens and fish," bahagi niya tungkol sa kanyang diet.

Lubos daw niyang naramdaman ang epekto ng kanyang healthy choices, lalo na sa kanyang mukha.  

"When I started eating healthy, sobrang nag-reflect siya in [my] body especially sa face ko. Sobrang na lessen 'yung mga acne or like the whiteheads," kuwento niya. 

Kaya naman laging camera ready si Gabbi, na in-demand bilang cover ng iba't ibang mga magazines. 

"I talk to photographers kung ano'ng dapat na angle. Also, I practice emoting in front of the mirror para alam mo kung saan ka a-angulo. You know your weaknesses and strong spots," paliwanag niya tungkol sa pagpo-pose.

Nagbigay rin siya ng isang tip para sa magandang labas sa mga litrato. 

"The sexiest part of a woman is her nape—her neck and nape—so [dapat] laging naka-extend," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute:

Video courtesy of GMA News