Celebrity Life

LOOK: Scarlet Snow Belo and her model babysitter reunite

By Jansen Ramos

 

Matapos ang mahigit isang taon, muling nagkita si Scarlet Snow Belo at ang kanyang babysitter na isang Brazilian model na si Analu Araujo. Nagkita sila sa France habang nagbabakasyon sila roon.

Sa Instagram account ni Scarlet na mina-manage ng kanyang Mommy Vicki at Daddy Hayden, mapapanood ang video kung saan kinakausap siya ng kanyang Yaya Analu sa wikang Portuguese. 

 

"It has been more than a year since I last say my Yaya @analubabalu so as expected, we had lots of things to talk about. She's so talkative I could hardly talk."

Nakatakdang bumisita ang New York-based model sa bansa ngayong taon.