Celebrity Life

EXCLUSIVE: Kristoffer Martin, pinayuhan ang non-showbiz GF na huwag mag-artista?

By Aedrianne Acar

Hindi maitago sa mga mukha ng Kapuso hottie na si Kristoffer Martin ang saya nang makapanayam siya ng GMANetwork.com patungkol sa kaniyang blooming love life sa isang non-showbiz girl. 

LOOK: Is this San Beda University graduate the new girlfriend of Kristoffer Martin?

In a relationship si Kristoffer kay Allysa Celine Banzon or AC Banzon at makikita sa mga social media accounts nilang dalawa ang mga sweet photos nila together. Graduate ng San Beda University ang babaeng nagpapatibok sa puso ng former Tween Hearts star. 

Ayon sa moreno actor, gusto daw niya ang current set-up na hindi galing sa showbiz ang karelasyon.

Paliwanag niya, "'Yun 'yung gusto [ko tahimik]. Hindi naman sa pinlano pero kasi hindi mo maiiwasan i-compare your past relationship to your present eh. Kasi before, showbiz talaga lahat ng tao nakasunod eh."

Masaya din siya na natanggap ng kaniyang mga fans ang kaniyang girlfriend. 

"Kapag non-showbiz kasi may love team kang iniingatan 'yun lang 'yung  stage na mahirap, kasi lahat against sa 'yo. Pero once kasi na makuha mo 'yung loob nila tapos iparamdam mo na genuine naman talaga, your happy with this 'yung mga fans mo naman tatanggapin nila eventually 'yun 'yung nangyari na tinanggap nila 'yung sitwasyon ko, kung ano talaga  'yung gusto ko."

Dagdag niya, "Sa akin kasi I'm done with pretending, kumbaga if magpe-pretend ako then 'yung mga taong magugustuhan ako, 'yung pekeng ako, tapos 'pag pinili ko na maging ako hindi nila matatanggap. So better yet start with the truth para 'yung mga taong susuporta sa 'yo  totoo."

Maraming netizens ang nakakapansin na maganda ang girlfriend ni Kristoffer, kaya diretsahan tinanong ng GMANetwork.com ang guwapong binata kung payag ba siya na pasukin din ni AC ang mundo ng showbiz. 

Tugon niya, "Kino-consider niya 'yung opinyon ko ang sa akin kasi, may mga kumukuha sa kaniya commercials, pinag-VTR siya go. Pero huwag mo papasukin 'yung showbiz if I were you, huwag mo na pasukin."

"Kasi tahimik tayo eh, alam niya 'yung pressure ko, alam niya yung pressure sa akin. Baka, hindi niya kaya, kung papasok kasi siya sa showbiz sobrang late na... Mamaya 'yun pa 'yung mag-break ng relationship namin. Pero siyempre, if decision niya gusto niya mag-showbiz hindi ko [haharangin], pero masasabi ko lang, opinyon ko no." 

Taong 2013 nang mauwi sa hiwalayan sina Kristoffer Martin at ka-love team niya na si Joyce Ching. Ang Kapuso actress naman ay masaya na din sa piling ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Kevin Alimon. 

LOOK: Meet Joyce Ching's non-showbiz boyfriend, Kevin Alimon